Monday, January 28, 2013

Philippine Games Award 2012-2013

Season 1

Wooooooohhh! The moment we've all been waiting for. After 3 months ng takbuhan, habulan, tayaan, talunan, ilagan, hawak kamayan (hahaha) at balibagan (joke lang tong isang to XD), here are the best among the rest games that we played sa class ni Ma'am Grecia. All of the games that we played sa klase ay rak on pero ang mga nilista ko dito ay ang mga games na sobrang natuwa at nag-enjoy ako. Thank you Ma'am for introducing us sa lahat ng games na to! :D 

(Before you scroll down, please play the music player , LSS kasi ako sa song na to habang ginagawa to :D )              

Catch Me If You Can Award - Agawang Panyo

Sa game na ito ay talagang matetest ang reaction time, awareness, speed at agility ng isang player. Ang mechanics ng laro ay may dalawang grupo at each player ay may assigned number. May nakatayo sa gitna at may hawak na panyo. Siya ang magtatawag ng number at ang mga players na nakaassign sa numbers na yun ay tatakbo at kukunin ang panyo at babalik. Intense rin tong laro na to pag marami ng numbers ang tinatawag. Mas naging exciting ang laro noong may variation na, dalawang panyo. Napansin ko lang na nung time na nagkaroon ng dalawang panyo at maraming players na tinawag, nakakalimutan yung isang panyo kaya may isang player na nakakabalik na wala man lang challenge at napadaan lang. Dapat talaga aware ka sa mga nangyayari. May advantage yung mga players na mabibilis tumakbo dahil minsan ay nauunahan nila ung kalaban sa pagtakbo sa panyo. May teamwork rin na element ang larong ito. Nakita ko nung two players na ang tinatawag, may isang tagaharang at may isang tagakuha, which is really a smart strategy.

My Own Variation: Mas exciting at mas intense ang Agawang Panyo kapag mas malayo ang distance mula sa gitna nung dalawang grupo. Yung dalawang panyo na ginamit ay pwede magkaroon ng magkaibang point kapag nakuha, pwedeng mas mataas yung isa kaya mas priority ito kuhanin. Mas magiging strategic based ang laro kapag nilagyan nag ganitong variation.

MVP: Si Kuya Michael. Para siyang ninja nung naglaro kami nito eh. Ang bilis niya tapos biglang *shoom* wala na yung panyo, nakabalik na siya sa linya.

Hawak Kamay, Di Kita Bibitawan Award - Berong Berong

Sobrang saya nitong larong to! Lalo na kung kasing laki ng klase namin ang dami ng mga players. Isa sa mga paborito kong laro sa Phil Games so far. Mas advanced form lang ito ng tayaan. Kapag nataya ka, hahawakan mo ang kamay nung taya at mantataya kayo pareho. Habang dumadami ang natataya at humahaba ang "chain" ng mga taya, kung sino man ang nasa dulo nito ang mantataya. Ang iba naman ay mang"tatrap" ng mga hindi pa natataya. Ang galing ng teamwork ng mga taya noong klaseng ginawa ito. Sobrang daming nataya dahil tinrap nila sa gitna. Matatalino rin ang mga umiilag kong kaklase dahil nakakalusot sila sa mga taya (parang nagpapatintero nga lang eh.) Maganda ang laro ko dito kasi medyo dulo na ng laro ako nataya. Hindi ko narealize kung gaano kahaba na yung kadena ng mga taya. Parang buong court nasakop na nila. Ang Berong Berong ay may chance rin na makapagsimula ng mga "sparks" sa mga natatayang boy and girl (hahaha) kaya kung kaya , imbitahang maglaro ang crush. :D

My Own Variation: Dalawa ang taya sa umpisa, so may dalawang separate na kadena ang mabubuo habang tumatagal ang laro.

MVP : Para sakin, lahat kami ay MVP dito sa larong ito dahil lahat ay nakataya at nakaiwas. Maganda ang overall performance ng lahat ng kaklase ko at ako sa Berong Berong.

Ako'y Alipin Mo Kahit Hindi Batid Award - Bihagan


Well.. pangalan pa lang ng award at ng laro alam na magkatugma silang dalawa. Bihagan ang , sa aking opinyon, ang pinaka pisikal at brutal na laro sa Philippine Games. Para kang nasa World War pag naglaro ka na. Ang gameplay nito ay simple lang naman, hatakin ang sinumang tatawid sa linya. Kung ikaw ay isang "lone wolf" na player, makakahatak ka ng maraming tao kung batak at strong ka. Kung ikaw naman ay team player, mas masaya dahil pwede ninyong pagtulungan hatakin ang isang tao. Masaya ang larong ito kaso nakakatakot lang pag ikaw ang hinahatak. Nakita ko sa laro na ito na usually isa kada team ang naghihilahan tapos tutulong na lang yung iba. Yun ang diskarte ko sa larong ito , tumulong sa mga taong humahatak para safe ako at at least nakakatulong sa mga kakampi ko haha. Ang Bihagan ay maaari ring maging isang indirektang paraan upang mahawakan ang kamay ng crush mo (kung sakaling magkaklase at magkalaban man kayo). hehehe XD

My Own Variation: Ang variation ko sa laro na ito ay kapag nahatak ka sa kabilang territory ng kabilang team, magiging kasapi ka nila. Dito talagang hindi uubra ang paglalaro ng solo at matetest talaga ang teamwork ng bawat grupo.

MVP: Kuya Fiel. Ang lakas niya manghatak at mahirap rin siya hatakin kaya win win situation siya kahit anong mangyari. Si David rin ay isang runner up, malakas rin siya humatak at tumulong sa mga teammates niya.

Sunday, January 27, 2013

Thanks for the Memories Award - Agawan Base

Itong award na ito ay binigay ko sa Agawan Base dahil nilalaro ko to at ng aking mga kaklase noong Grade 2 (tuwing recess) ako at isa ito sa mga kinalakihan kong laro. Ang tawag pa namin dito ay "Sekyo Base" kasi "Secure the Base" daw. Paborito ko ang Agawang Base dahil talagang pinagpapawisan ka kapag nagseryoso ka sa laro at maraming skills ang natetest dito (speed, agility, reaction time). Para siyang habulan at tayaan na may strategy. Maswerte ako sa mga teammates ko kasi mahilig sila sumugod at buti na lang nahawa rin ako sa pagiging aggresive nila. Ito sa tingin ko ang pinaka importanteng aspeto ng laro dahil pag aggresibo kayo ay matatakot ang kalaban at mapapaisip sila sa pagsugod, lalo na kung marami kayo.

My Own Variation : I already like the mechanics of the game pero if gagawa ako ng variation, ubusang lahi siya then each player na maaalis ay may score.

MVP: David del Prado. Intense siya maglaro haha magaling in almost all of the games.

It's Not About the Money , Money, Money! Award - Tatsing

Itong award na ito ay binigay ko sa Tatsing dahil talagang ibinalewala ang halaga ng pera para sa kasiyahan ng mga players. Ang objective ng larong ito ay makuha ang lahat ng barya sa sahig gamit ng pato na gagamitin pang tira ng mga ito. Sa variation ay pwede ka ng mang tama ng pato ng ibang mga players at makukuha mo ang mga barya nila. Simple pero masaya ang larong ito, lalo na kapag pwede mo na tamaan ang pato ng kalaban mo. Kailangan sa larong ito ng konting practice. Nung una kong bato ng pato, gumulong yung barya sa area ng kabilang grupo (-.-"). Kapag nasanay ka na, tuloy tuloy na ang hakot mo ng mga salapi (hehe). Para siyang Pogs, pero barya ang gamit. Noong inintroduce na ang variation, sobrang naging exciting nung game. Naging parang bawian ang tema nung laro simula noon. Grabe sina Hazel, Lem at David, nagtatamaan ng pato pabalik pabalik. Mga masters! :D

My own variation : Tag team ang labanan pero yung isa naka blindfold then yung kakampi niya ang "guide" para magturo sa kanya kung saan ibabato ang pato nila. Improved teamwork ito for the players.

MVP: Hazel Dumo. Grabe.. Wala akong masabi kay Hazel. Sanay na sanay. Feeling nga namin ni Edward gambling lord siya eh ( joke! ) haha