Sunday, January 27, 2013

It's Not About the Money , Money, Money! Award - Tatsing

Itong award na ito ay binigay ko sa Tatsing dahil talagang ibinalewala ang halaga ng pera para sa kasiyahan ng mga players. Ang objective ng larong ito ay makuha ang lahat ng barya sa sahig gamit ng pato na gagamitin pang tira ng mga ito. Sa variation ay pwede ka ng mang tama ng pato ng ibang mga players at makukuha mo ang mga barya nila. Simple pero masaya ang larong ito, lalo na kapag pwede mo na tamaan ang pato ng kalaban mo. Kailangan sa larong ito ng konting practice. Nung una kong bato ng pato, gumulong yung barya sa area ng kabilang grupo (-.-"). Kapag nasanay ka na, tuloy tuloy na ang hakot mo ng mga salapi (hehe). Para siyang Pogs, pero barya ang gamit. Noong inintroduce na ang variation, sobrang naging exciting nung game. Naging parang bawian ang tema nung laro simula noon. Grabe sina Hazel, Lem at David, nagtatamaan ng pato pabalik pabalik. Mga masters! :D

My own variation : Tag team ang labanan pero yung isa naka blindfold then yung kakampi niya ang "guide" para magturo sa kanya kung saan ibabato ang pato nila. Improved teamwork ito for the players.

MVP: Hazel Dumo. Grabe.. Wala akong masabi kay Hazel. Sanay na sanay. Feeling nga namin ni Edward gambling lord siya eh ( joke! ) haha


No comments:

Post a Comment