Sobrang saya nitong larong to! Lalo na kung kasing laki ng klase namin ang dami ng mga players. Isa sa mga paborito kong laro sa Phil Games so far. Mas advanced form lang ito ng tayaan. Kapag nataya ka, hahawakan mo ang kamay nung taya at mantataya kayo pareho. Habang dumadami ang natataya at humahaba ang "chain" ng mga taya, kung sino man ang nasa dulo nito ang mantataya. Ang iba naman ay mang"tatrap" ng mga hindi pa natataya. Ang galing ng teamwork ng mga taya noong klaseng ginawa ito. Sobrang daming nataya dahil tinrap nila sa gitna. Matatalino rin ang mga umiilag kong kaklase dahil nakakalusot sila sa mga taya (parang nagpapatintero nga lang eh.) Maganda ang laro ko dito kasi medyo dulo na ng laro ako nataya. Hindi ko narealize kung gaano kahaba na yung kadena ng mga taya. Parang buong court nasakop na nila. Ang Berong Berong ay may chance rin na makapagsimula ng mga "sparks" sa mga natatayang boy and girl (hahaha) kaya kung kaya , imbitahang maglaro ang crush. :D
My Own Variation: Dalawa ang taya sa umpisa, so may dalawang separate na kadena ang mabubuo habang tumatagal ang laro.
MVP : Para sakin, lahat kami ay MVP dito sa larong ito dahil lahat ay nakataya at nakaiwas. Maganda ang overall performance ng lahat ng kaklase ko at ako sa Berong Berong.
No comments:
Post a Comment