Monday, January 28, 2013

Catch Me If You Can Award - Agawang Panyo

Sa game na ito ay talagang matetest ang reaction time, awareness, speed at agility ng isang player. Ang mechanics ng laro ay may dalawang grupo at each player ay may assigned number. May nakatayo sa gitna at may hawak na panyo. Siya ang magtatawag ng number at ang mga players na nakaassign sa numbers na yun ay tatakbo at kukunin ang panyo at babalik. Intense rin tong laro na to pag marami ng numbers ang tinatawag. Mas naging exciting ang laro noong may variation na, dalawang panyo. Napansin ko lang na nung time na nagkaroon ng dalawang panyo at maraming players na tinawag, nakakalimutan yung isang panyo kaya may isang player na nakakabalik na wala man lang challenge at napadaan lang. Dapat talaga aware ka sa mga nangyayari. May advantage yung mga players na mabibilis tumakbo dahil minsan ay nauunahan nila ung kalaban sa pagtakbo sa panyo. May teamwork rin na element ang larong ito. Nakita ko nung two players na ang tinatawag, may isang tagaharang at may isang tagakuha, which is really a smart strategy.

My Own Variation: Mas exciting at mas intense ang Agawang Panyo kapag mas malayo ang distance mula sa gitna nung dalawang grupo. Yung dalawang panyo na ginamit ay pwede magkaroon ng magkaibang point kapag nakuha, pwedeng mas mataas yung isa kaya mas priority ito kuhanin. Mas magiging strategic based ang laro kapag nilagyan nag ganitong variation.

MVP: Si Kuya Michael. Para siyang ninja nung naglaro kami nito eh. Ang bilis niya tapos biglang *shoom* wala na yung panyo, nakabalik na siya sa linya.

No comments:

Post a Comment